Himig

Tuesday, March 03, 2009


Nag-iisip. Nag-iisip ka na naman. Tahimik uli sa isang tabi.


Nakatingin. Sa kanya. Pinapakinggan mo ang kanta. Hmm. Oo nga pala. Kakanta daw siya para sayo. Napangiti ka sa sarili. Hinawakan ang mahaba mong buhok habang nag-iisip. Wow! Dream come true. Hindi ba, pangarap ng lahat ang maharana?


Bakit lumilipad pa rin ang isip mo? Doon. Sa malayo. Mali. Makinig ka ulit. Tigilan mo na yan. Umiiling ka ng paulit-ulit. Baka sakaling mawawala siya sa isipan mo.


Hindi nga pala boses niya ang gusto mong marinig. Boses NIYA. Kahit sintunado pa, o mag rock and roll siya. Basta boses niya. Ang boses niyang nanginginig at kinakabahan gaya ng unang araw na na sinabi niyang mahal ka niya. Naalala mo pa. Napapangiti ka na naman. Unti-unti kang hinihila ng nakaraan. Naglakbay ang puso mo sandali.


Napailing. Tama na. Ibinalik ang tingin sa kumakanta. Nakatingin din siya sa'yo. Naiintindihan ka niya at alam niya ang iniisip mo. Ngumiti ka sa kanya. na sinundan ng iling. Oo nga pala. Siya ang nandito, sa harap mo. Siya na lang ang iyong pakinggan.





*ang entry na ito ay galing lamang sa panaginip habang GISING. lol. :. kathang-isip lamang.

You Might Also Like

2 comments

  1. I miss writing stories like this. This is a treat. You have a way to go!

    ReplyDelete
  2. thanks for dropping by my site ms.khaye. i really appreciate the comments.Ü

    ReplyDelete